Pebrero

Ambilis ng panahon, matapos ang enero marso na pala, pero teka? may isang buwan akong nakaligtaan. Ah, Oo, Pebrero ito yung sinasabi nilang buwan kung san matatagpuan ang wagas na pag ibig ng mga nag-iibigan. Na halos Imperyo sa lawak ang pagmamahalan, pag nag simula ng lumiyab ang mala impyernong tinginan, wala ng tiisan. Simulan na ang laban. Pero sa kabila nito, bakit ko nga ba nakaligtaan, hindi dahil sa nakalimutan. Kundi naalala ko, dito niya rin pala ako iniwan. Binitawan at hinayaang lumisan, kaya minsan sa twing dadaan ang enero, sumasagi sa isip ko sana wala nalang pebrero. Pero siyempre, hindi naman yun pwede, walang permanente, baka isang araw maraming nagmamahalan ang mag rebelde, ipa tokhang pa ni duterte. Kaya kailangan mo nalang magpaka inosente, yung tipong makakita ka man ng bente sa daan, wala kang Alam,hahayaan mo nalang kasi wala kang nararamdaman. At wala kang balak kunin at pahalagahan kasi bente lang yan. kailangan ko ilang daan Ilang daang rason para tahakin at mahanap yung sagot sa tanong na kailangan ka babalik sakin? Pero san kita hahagilapin? Malamang tuluyan ka ng naglaho, habang ako nandito nakatingin at nakatayo nilalahad kung bakit ang dating malinaw lumabo. Na walang kasiguruhan walang katiyakan at nagpapatunay lang na kung anong iniwan mo'y di mo na mababalikan. At kahit pag tagpi- tagpiin mo pa lahat ng mga manloloko sa mundo, hindi pa rin mawawala yung nagiisang seryoso't totoo. Nandito lang ako.
Comments
Post a Comment