"I"


Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga Isang araw, naisip na naman kita Isang araw mong ginulo ang isipan ko Isang araw, binalik-balikan ang masasakit na alaala mo dahil Isang araw, biglang iniwan mo ako Iniwan mo ako... at mula noon Ilang araw akong wala sa sarili Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka lumisan at kung bakit ako'y hindi mo pinili Ilang araw na nagbabakasakali na ako'y iyong babalikan Ilang araw na patuloy na umaasa sa mga pangako mong napako sa kawalan Isang tanong na gumugulo sa aking isipan Isang tanong na hindi masagot nino man Isang tanong na hindi ko makalimutan Isang tanong na wala naman talagang kasagutan Isang tanong, "Mahal, bakit mo ako iniwan?" Hindi lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan Hindi pinapansin kapag nasisilayan Ang trato'y parang estranghero lang sa daan Bakit parang ako lang ang nasasaktan? Bakit parang ako lang ang nahihirapan? Bakit parang ako lang nagmamahal? Bakit ako lang? Bakit? Nang iwan mo ako, nawala ang tayo Nang iwan mo ako, ang natira na lang ay ako Mali pala, kasi pati ako ay nawala noong nawala ka Nawala ang dating ako na kayang mabuhay noong mga panahong wala ka pa Pagod na pagod na ako sa lahat ng sakit Pucha, hindi mawala-wala ang sakit na nararamdan ko kahit anong pilit. Pero pero simula ngayon pagmamahal ko para sa'yo Mahal ko. Ay unti unti ng naglalaho.

Comments

Popular posts from this blog

Pangako

"ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO

Pebrero