Ako ba o Siya?


Yan ang laman ng isip Ako ba o siya? Sa akin bawat Pag pikit Ako ba o siya? Naaalala mo pa ba Panahon na tayo pang dalawa? Panahon na kung saan Tayo pang dalawa ay masaya? Sumumpa na walang iwanan Sa hirap man o sa ginhawa Naalala ko pa Tamis ng yong halik At mapupungay mong mata Naalala ko pa Init ng yong yakap Na sayo lang nadama Bakit biglang nag iba? Ikaw ba’y di na masaya? Nawala ang lahat Na para bang ito’y naging bula Tinapon ang pangako Lahat ay binasura Ano ba ang nagawa? Yan ang tanong Nung ikaw ay nag iba Ano ba ang nagawa? Na bakit lahat ng pinaghirapan Naging sayo’y balewala Mahal ko tanong ko sayo Wala na ba talaga? Yun bang ikaw at ako’y kumupas na? Na sa binuo nating pangarap Para sayo’y lusaw na? Na ang lahat ng mga bagay na iyon Ngayon ay magiging isa ng alaala? Mahal ko pakiusap Sa akin ay sabihin na Masakit nung nalaman Ikaw na ay may iba Na wala pang tatlong buwan Sa akin ay may pumalit na Na wala pang taon na wala na tayo’t Ikaw ngayon ay ikakasal na Ngayon.. Iniisp.. Ako ba o siya? Pero ngayon Malinaw na Kung sino saming dalawa Na ang sagot Sa matagal kong tanung Ay SIYA.

Comments

Popular posts from this blog

Pangako

"ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO

Pebrero