"ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO
Ang huling paalala at liham para sayo Ayokong mangako dahil may isang salita ako Di ko batid kung ilang pahina ng kwaderno ang mauubos ko O di kaya’y ilang panalo sa ahedres ang itatagal ko May isang salita ako at ito ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO Nais kong ipaalala sa iyo at itanim sa iyong puso Lahat ng sasabihin kong tagubilin sa iyo Wag mo akong tawagin nang kung anu-ano sa isipan mo Hindi ako PANINDA sa tindahang pinupuntahan mo Na dinaraanan at binabanggit ng kung sinu-sino At lagi mong tandaan may isang salita ako At ito ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO Bumalik tayo sa umpisa na kung saan ako’y ngumiti Bumalik tayo sa umpisa na kung saan nagtanong ako kung saan ka nakatira Nagkakamali ka sa pag aakala mo Na wala akong nakita sa dingding mo Nagkakamali ka sa pag aakala mo Na di ako nabahala sa ipis na matulin Ipis na matulin pa sa hangin Nagkakamali ka rin sa pag aakala mo Na hindi ko napansin ang mga aklat mong halos unan mo na rin Ngunit paalala ko sa liham na ito Wag kang mabuhay sa mga maling akala mo Balikan natin ang umpisa sa yakap kong pabigla Sa banggit kong mahalaga ka nang sabihin mong mahal kita Sa halik sa noo dahil kaibigan lang kita Kasalanan ko ba na ayaw kitang makitang lumuluha? Mahalaga ka dahil kaibigan kita Mahalaga ka dahil kaibigan lang kita Wag mong ikumpara ang sarili sa materyal Tulad ng salamin maging teleponong pamilyar Tulad ng kuwintas maging ng kahong mahal Na pinaglalagyan ng mga tinatagong liham Isa kang tao hindi materyal Matuto kang maging pormal Wag mong ipilit na mahalin Maging naisin na mahalin pa Dahil ang tunay na pagibig ay naghihintay Ituring mong isang tagumpay Paumanhin kung hindi ikaw ang kape O di kaya’y opisina sa tabi Maging na unan na kayakap sa gabi Hangad ko ang matuto ka Na ang pagmamahal ay may kasamang pagpapahalaga Dahil kung wala ang isa ay kulang na Gaya ng kape na may tamis at pait Gaya ng opisinang may gamit na maayos at may magulo Gaya ng unan na may kumot upang magpainit sa iyo Ngunit paalala ko sa iyo Wag kang gumawa ng dahilan sa mga maling akala mo Sinisisi ko ang sarili ko Dahil nagbunga ng isang akala ang sinabi ko Maging sa kilos ay mali ako Dahil nabuhay ka sa maling akala mo Natanggap ko ang sulat mo Pero naiinis na ako Dahil di ka marunong mag isip Ang gusto mo ay mahalin ka ng pilit Hindi kailangan ng kasunduan sa patawad Ang kailangan ay magkusa na lumapit at magpaliwanag Lumapit ka at ipaliliwanag ko sa iyo Lalapit ako at pakinggan mo ang paliwanag ko Lumapit ka at ipaliliwanag ko sa iyo Lalapit ako at pakinggan mo ang paliwanag ko Hihingi akong kusa ng patawad at paumanhin Makikinig ka at iyong tatanggapin Hihingi kang kusa ng patawad at paumanhin Makikinig ako at aking tatanggapin Hindi ka bumitiw dahil at hindi ako kumapit dahil Hindi ka lumayo sapagkat at hindi ako lumapit sapagkat Hindi ka sumuko dahil at hindi ako sumugal dahil Hindi ka namuhi sapagkat at hindi kita minahal sapagkat Hindi kailangan ng kasunduan ang kailangan ay magpaliwanagan Masyado ng matagal at mahaba ang aking liham Gaya ng aking isang salita ay ito ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO Balikan natin Balikan natin ang umpisa Balikan natin ang umpisa sa ngiting kaibigan Balikan natin ang umpisa sa ngiting kaibigan at tanong kung saan ka nakatira Balikan natin ang umpisa sa ngiting kaibigan at tanong kung saan ka nakatira kung maari pa. Ito ang huling paalala at liham ko para sayo.
Comments
Post a Comment