Posts

"I"

Image
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga Isang araw, naisip na naman kita Isang araw mong ginulo ang isipan ko Isang araw, binalik-balikan ang masasakit na alaala mo dahil Isang araw, biglang iniwan mo ako Iniwan mo ako... at mula noon Ilang araw akong wala sa sarili Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka lumisan at kung bakit ako'y hindi mo pinili Ilang araw na nagbabakasakali na ako'y iyong babalikan Ilang araw na patuloy na umaasa sa mga pangako mong napako sa kawalan Isang tanong na gumugulo sa aking isipan Isang tanong na hindi masagot nino man Isang tanong na hindi ko makalimutan Isang tanong na wala naman talagang kasagutan Isang tanong, "Mahal, bakit mo ako iniwan?" Hindi lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan Hindi pinapansin kapag nasisilayan Ang trato'y parang estranghero lang sa daan Bakit parang ako lang ang nasasaktan? Bakit parang ako lang ang nahihirapan? Bakit parang ako la...

Kung nabibili lang ang pag ibig

Image
pabili nga po ng pag-ibig kung bibigyang halaga ang pag-ibig siguro, pulubi na ako pagpalagay nating isang daan na lamang ang pera ko at bawat pagkilos ay tatapatan natin ng sampung piso sampung piso para huwag mo akong i-seenzone sa fb sampung piso para huwag mo akong i-unseenzone sa fb sampung piso para i-chat o text mo naman ako sampung piso para bawasan 'yang init ng ulo mo sampung piso para patawarin mo ako sampung piso para kausapin mo naman ako nang maayos sampung piso para maintindihan kung ano ba 'yang gusto mo sampung piso para malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sampung piso para bigyang-oras mo naman ako at magka-ayos tayo at itong huling sampung piso iaalay ko na lamang sa donation box ng chapel baka sakaling dapuan ako ng milagro at matauhan din ako sa katangahang ito dahil ubos na ang pera ko ngunit 'di ko pa rin mabili ang pag-ibig mo.

Ako ba o Siya?

Image
Yan ang laman ng isip Ako ba o siya? Sa akin bawat Pag pikit Ako ba o siya? Naaalala mo pa ba Panahon na tayo pang dalawa? Panahon na kung saan Tayo pang dalawa ay masaya? Sumumpa na walang iwanan Sa hirap man o sa ginhawa Naalala ko pa Tamis ng yong halik At mapupungay mong mata Naalala ko pa Init ng yong yakap Na sayo lang nadama Bakit biglang nag iba? Ikaw ba’y di na masaya? Nawala ang lahat Na para bang ito’y naging bula Tinapon ang pangako Lahat ay binasura Ano ba ang nagawa? Yan ang tanong Nung ikaw ay nag iba Ano ba ang nagawa? Na bakit lahat ng pinaghirapan Naging sayo’y balewala Mahal ko tanong ko sayo Wala na ba talaga? Yun bang ikaw at ako’y kumupas na? Na sa binuo nating pangarap Para sayo’y lusaw na? Na ang lahat ng mga bagay na iyon Ngayon ay magiging isa ng alaala? Mahal ko pakiusap Sa akin ay sabihin na Masakit nung nalaman Ikaw na ay may iba Na wala pang tatlong buwan Sa akin ay may pumalit na Na wala pang taon na wala na tayo’t Ikaw ngayon ay ikakasal na Ngayon....

Pebrero

Image
Ambilis ng panahon, matapos ang enero marso na pala, pero teka? may isang buwan akong nakaligtaan. Ah, Oo, Pebrero ito yung sinasabi nilang buwan kung san matatagpuan ang wagas na pag ibig ng mga nag-iibigan. Na halos Imperyo sa lawak ang pagmamahalan, pag nag simula ng lumiyab ang mala impyernong tinginan, wala ng tiisan. Simulan na ang laban. Pero sa kabila nito, bakit ko nga ba nakaligtaan, hindi dahil sa nakalimutan. Kundi naalala ko, dito niya rin pala ako iniwan. Binitawan at hinayaang lumisan, kaya minsan sa twing dadaan ang enero, sumasagi sa isip ko sana wala nalang pebrero. Pero siyempre, hindi naman yun pwede, walang permanente, baka isang araw maraming nagmamahalan ang mag rebelde, ipa tokhang pa ni duterte. Kaya kailangan mo nalang magpaka inosente, yung tipong makakita ka man ng bente sa daan, wala kang Alam,hahayaan mo nalang kasi wala kang nararamdaman. At wala kang balak kunin at pahalagahan kasi bente lang yan. kailangan ko ilang daan Ilang da...

Pangako

Image
Mga pangako mong nakakaakit, Mga pangako mong nagpapangiti saakin. Ang pangako mo saakin na "Hindi kita iiwan." Ang pangako mo saakin na "Hindi kita kayang saktan." Ang pangako mo saakin na "Tiwala lang sabay tayong tatanda." Ang pangako mo saakin na "Tayo'y magpapakasal pa at bubuo ng masayang pamilya." Ang pangako mo saakin na "Ikaw lang at wala ng iba." Ngunit bakit? Bakit lahat ng pangako mo ay napako? Nasaan ka nung mga panahong nahihirapan na ako? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng atensyon mo? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng iyong oras? Pasensya na kung maraming tanong na sumasagi sa aking isipan. Pagkagising ko may iba ka na pala di mo manlang nabanggit saakin sobra akong nalungkot nung mga panahong iyon. Napakatanga ko dahil ako'y naniwala sa mga matatamis mong salita. Napakatanga ko dahil minahal pa kita. Napakatanga ko talaga! Bakit pa kasi kita nakilala? Ang hirap kalimutan ng mga mas...

"ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO

Image
Ang huling paalala at liham para sayo Ayokong mangako dahil may isang salita ako Di ko batid kung ilang pahina ng kwaderno ang mauubos ko O di kaya’y ilang panalo sa ahedres ang itatagal ko May isang salita ako at ito ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO Nais kong ipaalala sa iyo at itanim sa iyong puso Lahat ng sasabihin kong tagubilin sa iyo Wag mo akong tawagin nang kung anu-ano sa isipan mo Hindi ako PANINDA sa tindahang pinupuntahan mo Na dinaraanan at binabanggit ng kung sinu-sino At lagi mong tandaan may isang salita ako At ito ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO Bumalik tayo sa umpisa na kung saan ako’y ngumiti Bumalik tayo sa umpisa na kung saan nagtanong ako kung saan ka nakatira Nagkakamali ka sa pag aakala mo Na wala akong nakita sa dingding mo Nagkakamali ka sa pag aakala mo Na di ako nabahala sa ipis na matulin Ipis na matulin pa sa hangin Nagkakamali ka rin sa pag aakala mo Na hindi ko napansin ang mga aklat mong halos unan mo na rin Ngunit paalala ko sa liham...