Pangako

Mga pangako mong nakakaakit, Mga pangako mong nagpapangiti saakin. Ang pangako mo saakin na "Hindi kita iiwan." Ang pangako mo saakin na "Hindi kita kayang saktan." Ang pangako mo saakin na "Tiwala lang sabay tayong tatanda." Ang pangako mo saakin na "Tayo'y magpapakasal pa at bubuo ng masayang pamilya." Ang pangako mo saakin na "Ikaw lang at wala ng iba." Ngunit bakit? Bakit lahat ng pangako mo ay napako? Nasaan ka nung mga panahong nahihirapan na ako? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng atensyon mo? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng iyong oras? Pasensya na kung maraming tanong na sumasagi sa aking isipan. Pagkagising ko may iba ka na pala di mo manlang nabanggit saakin sobra akong nalungkot nung mga panahong iyon. Napakatanga ko dahil ako'y naniwala sa mga matatamis mong salita. Napakatanga ko dahil minahal pa kita. Napakatanga ko talaga! Bakit pa kasi kita nakilala? Ang hirap kalimutan ng mga mas...